Pinned Tweet
CALL FOR VOLUNTEERS:
Sabay-sabay nating ibalik ang boses ng mamayan sa Kongreso!
Magregister gamit ang link para mag-volunteer at samahan ang mga masisipag, matatapang, at dedikadong miyembro ng ML Partylist ngayong darating na halalan!
Register:
bit.ly/volunteersofML
#MLPartylist #MamamayangLiberal
#TapatSaPilipino
#TuloyAngLaban
#Volunteer
#Partylist
#LeilaDeLima
#TeddyBaguilat
#ErinTanada
#TaraML
ML Partylist retweeted
In celebrating National Attention Deficit/Hyperactivity Disorder (ADHD) Awareness Week and ADHD Awareness Month this October, let's continue to promoteย awareness and understanding, erase the stigma, address myths and misconceptions, and create more spaces for open and meaningful conversations about ADHD.
In the House of Representatives, we have filed several legislative measures to advance the rights and well-being of individuals with ADHD, autism, and other developmental conditions, including House Bill 6577 or the โAutism Care Act",ย which seeks to establish a National Comprehensive Program for Autism, and HB 8828, which aims to ensure the proper diagnosis and recognition of Autism Spectrum Disorderย (ASD), ADHD, and Down syndrome (DS) in the Philippine Registry for Persons with Disabilities (PRPWD).
To every beautiful people with ADHD, weโre here to embrace and accept you for who you are. Happy ADHD Awareness Month! ๐งกโจ
ML Partylist retweeted
Happy UN Day! ๐บ๐ณ
Ipinapakita ng United Nations na posible ang pagkakaisa sa kabila ng mga pagkakaiba, para maisulong ang kapayapaan, paggalang sa karapatang pantao, pagkakapantay-pantay, at inklusibong pag-unlad.
Despite coming from different places, backgrounds, cultures, and beliefs, our shared humanity brings us together.
Instead of resorting to violence, intimidation and discrimination, letโs continue doing our part to promote genuine peace and work toward a better future for the next generations.
#UnitedNationsDay
ML Partylist retweeted
Naninindigan para sa pananagutan. Para sa bayan. ๐ต๐ญโ๏ธ
๐ธ Joseph Vidal | Senate Social Media Unit
ML Partylist retweeted
Tahasan nating kinokondena ang pamamaslang sa radio broadcaster na si Adrian "Golden Boy" Loterteย sa Daraga, Albay, na kilala sa matatapang na komentaryo ukol sa politika at ilegal na mga gawain.
Nangyari ito wala pang isang taon mula nang paslangin ang isa pang mamamahayag na si Noel Bellen Samar sa Guinobatan, Albay. 2018 nang karumal-dumal ding pinatay si Joey Llana, isa ring radio broadcaster sa Daraga, Albay. Nadadagdagan ang mga biktima pero walang napapanagot!
llan lamang sila sa marami pang biktima ng karahasan laban sa media. These brutal crimes are very alarming, as journalists and media personnel are being killed as if these acts were normal. Some victims were even slain in their own homes or communities in broad daylight. Wala na silang kinatatakutan.
Nananawagan tayo sa mabilis at patas na imbestigasyon sa krimen na ito na walang pagtatakpan at poprotektahan. Hinihikayat din po natin ang ating mga kababayan na kung may nalalaman sila na makatutulong sa pagtukoy sa mga salarin ay agarang makipagtulungan sa mga awtoridad.
Kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.: Hindi katanggap-tanggap na nagpapatuloy ang mga patayan sa ilalim ng iyong liderato. Hindi matitigil ang mga pamamaslang na ito kung hindi ipapakita ng iyong administrasyon ang seryosong pagtugis at pagpapanagot sa mga salarin.
Ang pagpatay sa mga mamamahayag ay hindi lang pagpapatahimik sa mga kawani ng media, kundi pananakot din sa marami pang naghahangad na lumabas ang katotohanan. Malinaw na pagsupil ito sa ating demokrasya.
The killings of journalists must stop. Press freedom must be defended, not silenced. Human rights must be upheld and protected. Justice must be served. ###
Albay broadcaster shot; police hunt gunmen trib.al/r6EnSoj
ML Partylist retweeted
๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ผ
Praying for the speedy and complete recovery of His Holiness Pope Leo XIV following the news of his lung cancer diagnosis.
May the Lord guide his medical team with wisdom and skill, and bless the Holy Father with strength, peace, comfort, and healing throughout his recovery. ๐๐ผ
๐ท Philippine Star | Reuters
ML Partylist retweeted
Seryoso ang banta ng Super El Niรฑo pero malaki ang kinaltas sa NDRRM fund? Dapat tiyakin ng gobyerno ang sapat na suporta sa lahat, lalo na para sa mga magsasaka at mangingisda.
ML Partylist retweeted
Bumoto tayo ng NO sa 2027 General Appropriations Bill (GAB).
This budget has only P1.15 trillion in real fiscal space, and after amendments, P541.5 billion, or nearly half of it, went to pork.
Paano aayusin ang kalidad ng serbisyo kung kinakain na ng patronage ang pondo? Kapag palakasan ang basehan, ang pondo ay nagiging kasangkapan sa politika, hindi sa pag-unlad.
Naninindigan din tayo na walang puwang ang unprogrammed appropriations (UA) sa Pambansang Budget!
We cannot afford irresponsible fiscal choices, kung saan kinakaltasan ang pondo sa mahahalagang programa para gamitin sa politika o pansariling interes.ย
Ang budget na ito ay hindi people-centered. Ito ay election-centered. Tutol tayo dito.
ML Partylist retweeted
๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ฎ๐ฝ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ ๐ฏ๐ด ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐น๐ถ๐๐ถ๐ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ฒ โ๏ธ
Natapos ang testimonya ng witness ng Prosecution na si Atty. Alexander Cabrera, isang financial forensic expert. Hindi na kinailangang mag-redirect ng Prosecution, kaya dumiretso na sa interjection ng mga Senator-judges.
๐ Ayon kay Senator-judge Joel Villanueva, si Cabrera ang maituturing na pinakamahalagang testigo ng Prosekusyon sa Article on Unexplained Wealth.
๐ Ayon sa expert witness, marami umanong "wala sa tamang hulog" o di pangkaraniwan sa financial statement ng Cale88, isang kumpanya na kabilang sa business interests ng asawa ni VP Sara na si Atty. Manases Carpio. Punto ni Atty. Cabrera, wala umanong receivables, payables, inventory ng raw materials o work in process itong Cale88 kahit daang milyon ang pumapasok na pera sa kompanya. Kung ganito umano ang nangyayari, hindi sa operasyon ng negosyo ang pinanggagalingan ng pera.
๐ Naniniwala si Atty. Cabrera na hindi pa rin naibebenta ang Cale88 sa Pikimong Pikimong Corporation dahil wala itong record ng transfer o sale of shares. Para sa witness, nagmamay-ari pa rin nito si Carpio.
๐ Sa interjection ni Senator-judge Raffy Tulfo, inilarawan ni Atty. Cabrera ang galaw ng pera sa Cale 88 bilang โrevolving doorโ, dahil sa โpagpasok ng pera, lumalabas dinโ. Itinuturing niya itong sintomas o yung tipikal na nangyayari sa money laundering.
๐ Naniniwala rin si Atty. Cabrera na ang halagang P96 million na kino-convert sa managerโs check na nag-โtiniklingโ o yung naglaho-lumitaw na halaga sa BPI joint account ng mag-amang sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Sara Duterte ay dapat pa ring idineklara sa SALN ng Bise Presidente.
๐ Sa tanong ni Senator-judge Risa Hontiveros kung kailan masasabing may unexplained wealth o di-maipaliwanag na yaman ang isang tao, ipinaliwanag ni Atty. Cabrera na ang sagot dito ng batas ay kung ang yaman ay โmanifestly disproportionate." Kung malaki masyado ang halagang hindi deklarado at ang di pagdedeklara ay taon-taon ginagawa, wala na umanong usapan pa sa intent, kundi โhalatang-halata na.โ
๐ Sa pagtatanong naman ni Presiding Officer Chiz Escudero kung magkano ang aabuting maximum estimate of the unexplained wealth ni VP Sara mula 2022-2025 kung hindi siya magiging conservative sa kanyang computation, pwede umanong umabot sa P1.5 billion ang hindi naideklarang yaman ng Bise Presidente.
๐ท One PH, Senate Live, & DZMM
ML Partylist retweeted
Huwag ilihis ang issue. Ang talagang nakakabahala ay pagkakaroon ng Pangalawang Pangulo, na nag-aambisyon maging Pangulo, na todo tahimik sa panghaharass ng China sa ating mga mangingisda at pangangamkam nito sa ating teritoryo. Nakakabahala ang nabunyag na nakatanggap ang kompanyang konektado sa Pangalawang Pangulo at sa kanyang asawa ng P319 milyong piso mula sa ilang state-owned enterprises ng China. Nakakabahala ang halos isang bilyong piso niyang unexplained wealth. โ at Quezon City, National Capital Region
โBAWAL BA TALAGA MAGNEGOSYO WITH CHINA?โ
Vice President Sara Duterte on Monday, October 12, accuses the prosecution of shifting its narrative to China, claiming its case was already weakening and that prosecutors were inventing evidence.
โBawal ba talaga magnegosyo with China?โ Duterte says, arguing that the issue risks making the Philippines a โtroublemaker of Southeast Asia.โ
ML Partylist retweeted
๐ ๐ด๐ฎ ๐ฅ๐ฒ๐ฏ๐ฒ๐น๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ ๐ฏ๐ณ ๐ป๐ด ๐๐บ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ง๐ฟ๐ถ๐ฎ๐น ๐ป๐ถ ๐ฉ๐ฃ ๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ฎ
๐ Natapos ang cross-examination, redirect examination at recross examination sa Prosecution witness na si BIR Office of the Commissioner Chief of Staff Atty. Anne Loraine Garcia-Marquez na nagbigay ng salaysay tungkol sa tax records nina VP Sara at asawang si Atty. Manases Carpio.
๐ Sa interjection ni Senator-judge Kiko Pangilinan, pinuna niya ang hindi nagtutugmang year-end bank balances ng GenCorp Industries Inc. โ isa sa mga business interest ni VP Sara โ sa cash na idineklara sa Audited Financial Statement nito.
๐ Ayon kay Senator-judge Risa Hontiveros, base sa naging pagsusuri ng kanyang tanggapan, lumalabas na posibleng sangkot sa money laundering ang isang kumpanya sa Ukraine na nagpadala ng pera sa Cale88 Foods Corporation. Ang Cale88 ay isa sa mga business interest ni Carpio.
๐ Ayon kay Atty. Garcia-Marquez, pwedeng si Carpio pa rin ang may-ari ng Cale88 dahil walang electronic certificate authorizing registration (eCAR) na nagpapatunay sa transfer of shares nito sa Pikimong Pikimong Corporation.
๐ Pagkatapos ni Atty. Garcia-Marquez, iniharap naman ng Prosecution ang expert witness na si Atty. Alexander Cabrera, isang financial forensic analyst.
๐ Ang mga sumusunod ang naging konklusyon ni Cabrera base sa kanyang pagsusuri sa mga nakalap na dokumento, kabilang ang SALN, bank records at tax records nina VP Sara, Carpio at kanilang business interests:
- Hindi makatotohanan ang mga SALN ni VP Sara sa mga taong 2022, 2023, 2024, at 2025 kung saan malaking halaga ng assets ng mag-asawa ang hindi idineklara.
- Sa panunungkulan bilang Bise Presidente, nag-participate pa rin si VP Sara sa ibaโt ibang negosyo, either as an individual, stockholder o direktor ng korporasyon.
- Umabot sa P817.87 million ang unexplained wealth ni VP Sara.
- Ang mga nasuring paglabag mula 2022 hanggang 2025, ay nakitaan ng pattern ng "constitutional violations" taon-taon.
- Bukod sa Konstitusyon, maaari ring nalabag ni VP Sara ang ibang mga batas gaya ng National Internal Revenue Code, Republic Act 1379, RA 6713, RA 3019, RA 12009, SRC Rules at COA Rules.
๐ท Philippine Star, Inquirer.net, & House of Representatives
ML Partylist retweeted
Ayon sa isang financial forensic expert, P817.87 million ang undeclared wealth ni VP Sara. Deserve ng taumbayan ang katotohanan at pananagutan sa halos P1 bilyong yaman na ito.
ML Partylist retweeted
Highlights sa Day 36 ng Paglilitis kay VP Sara
๐ Isinalang ng Prosecution bilang witness si BIR Office of the Commissioner Chief of Staff Atty. Anne Loraine Garcia-Marquez para magbigay ng testimonya ukol sa mga tax records ni VP Sara, asawang si Atty. Manases Carpio, at kanilang business interests.
๐ Ayon sa testimonya ni Atty. Garcia-Marquez, ang pinagsamang kita ni VP Sara at ng kanyang asawa matapos kaltasan ng tax ay umabot sa P85.34 million mula 2007 hanggang 2025. Hindi ito tumutugma sa idineklarang yaman ni VP Sara sa kanyang 2025 Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) na may deklaradong yaman na mahigit P98 million.
๐ Lumabas sa Audited Financial Statements na mayroong cash on hand at cash in bank si VP Sara sa mga sumusunod na taon:
Dec. 31, 2022 - P21,234,980
Dec. 31, 2023 - P28,971,725
Dec. 31, 2024 - P15,525,209
Dec. 31, 2025 - P13,804,540
Matatandaan na mula 2019 hanggang 2025, walang idineklarang cash on hand at cash in bank sa SALN si VP Sara.
๐ Ayon sa witness, nagdeklara si Sara Duterte ng income mula sa โsales, revenues, receipts, and feesโ mula sa kanyang โlegal activitiesโ kahit siya ay Mayor na ng Davao City. Nakatanggap din umano si VP Sara ng compensation income mula sa Davao City LGU noong 2023 kahit nanunungkulan na bilang Bise Presidente.
Ayon sa Local Government Code, ang mga gobernador at alkalde ay hindi puwedeng magkaroon ng ibang trabaho sa panahon ng kanilang termino bilang local chief executives. Nakasaad din sa Konstitusyon na ipinagbabawal sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, at mga miyembro ng Gabinete ang pagkakaroon ng ibang trabaho.
๐ Sinabi rin ni Atty. Garcia-Marquez na walang record ng anumang transfer or sale of shares ang CALE88 Foods Corporation na isa sa mga business interest ni Atty. Manases Carpio, at sinasabing nakatanggap ng P319 milyon mula sa ilang state-owned enterprises ng China.
๐ท Wendell Alinea, Joseph Vidal | Senate Social Media Unit
ML Partylist retweeted
Pagpupugay at pasasalamat, Tatay Elmer! โ
Lubos po tayong nakikiramay sa pamilya, mga mahal sa buhay, kaibigan at kasamahan ni Tatay Elmer.
Hanga po tayo na sa kabila ng kanyang edad, buong tapang at sigasig niyang isinaboses ang hinaing ng kanilang sektor at ipinaglaban ang kanilang mga karapatan.
Wala pang krisis, napakahirap nang kumita sa kanilang hanapbuhay. Paano pa sa panahong napakataas na ng presyo ng krudo, mga bilihin at iba pang gastusin?
Hindi dapat magkibit-balikat ang gobyerno sa pakikibaka ng mga tulad ni Tatay Elmer. Ibigay na ang dapat ibigay na tulong at suporta para sa mga tsuper at operator na hindi lang naghahanapbuhay, kundi naglilingkod din sa ating mga kababayan.
Rest in power, Tatay Elmer. ๐
REST IN PEACE, TATAY ELMER ๐๏ธ
Longtime jeepney driver Elmer Cordero, more commonly known as Tatay Elmer, has passed away, his family confirmed in a Facebook post.
Cordero was earlier hospitalized during the first day of strike of transport group PISTON.
In 2021, Tatay Elmer was arrested for protesting during the pandemic amid the challenges faced by jeepney drivers amid the lockdown restrictions. | via @josiahvantonio
ML Partylist retweeted
๐๐ถ๐ด๐ต๐น๐ถ๐ด๐ต๐๐ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ ๐ฏ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐น๐ถ๐๐ถ๐ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ฒ โ๏ธ
๐ Ipinagpatuloy sa araw na ito ang pagpresenta sa mga kinatawan ng bangko kung saan may account sina VP Sara at asawang si Atty. Manases Carpio.
๐ Lumabas na may 30 accounts ang mag-asawa sa walong bangko. Umabot ang cumulative year-end balances sa mga bangkong ito diumano sa halagang P59.024M noong 2022; P71.38M noong 2023; P22.245M noong 2024; at P39.09M noong 2025.
๐ Ayon sa testigo ng Prosecution na si Marwin Galvez, Division Head for BPI Central Metro Manila branches, may joint time deposit account si VP Sara at kanyang ama na si Rodrigo Duterte na may opening balance na P40.65M noong 2010, na 12 beses umanong na-rollover. Umabot daw sa P96M ang halaga sa joint time deposit account na ito ng mag-ama.
๐ Natalakay sa paglilitis ang paulit-ulit na pagkuha ng managerโs check (MC) gamit ang perang nasa nasabing account ng mag-ama at pagbalik din nito sa account matapos ang ilang buwan. Nilinaw sa pagdinig na ang halagang nakalagay sa MC ay hindi na nagrereflect sa bank account. Sa interjection ni Senator-judge Tito Sotto, parang tinikling daw ang labas-masok na galaw ng pera sa sitwasyong ito.
๐ Ayon din kay Galvez, ang alleged druglord na si Samuel โSammyโ Uy ay naging payee ng managerโs check na nagkakahalagang P16 million sa joint BPI account nina VP Sara at amang si Rodrigo Duterte.
๐ Sa interjection naman ni Senate President at Senator-judge Win Gatchalian, sinabi niyang kung existing ang joint account na may halagang P96M ng mag-amang Duterte sa BPI, dapat daw ay idineklara ito ng Bise sa kanyang SALN.
๐ Ayon sa testimonya ng naging testigo rin ng Prosecution na si Janet Amora, Vice President and Operations Head ng BDO Securities Corp., bumili ang asawa ni VP Sara na si Atty. Carpio ng shares na nagkakahalagang P8 milyon sa dalawang kumpanya mula October 11, 2021 - November 24, 2021, at bumili rin ng P5.5M na bonds mula June 30, 2022 - July 22, 2022.
๐ Suma-tutal, as of Dec. 31, 2025, nasa P13 milyon ang halaga ng outstanding equities at aabot naman sa P12M ang bonds na binili ni Atty. Carpio sang-ayon sa record ng BDO Securities Corp.
๐ Isinalang din ngayong araw ang mga kinatawan mula sa ilang insurance companies para magbigay ng salaysay sa milyon-milyon ding halaga ng insurance policies and investments na konektado kina VP Sara at asawang si Atty. Carpio. Sa kabuuan, lumabas na mayroong 19 insurance policies ang mag-asawang VP Sara at Atty. Carpio.
๐ธ Philippine Star, TV5 News, and Joseph B. Vidal | Senate Social Media Unit
ML Partylist retweeted
Good News! Panukalang pagpapalakas sa @coastguardph, pasado na sa Kamara!ย โ๏ธ โ
Panahon na para palakasin naman ng Estado ang proteksyon at serbisyo para sa mga tagapagbantay at tagapagtanggol ng ating teritoryo, kalikasan, at kapwa Pilipino mula sa peligrong hatid ng kalamidad at banta ng mangangamkam na dayuhan.ย
Deserve na modernisasyon, reporma, suporta at mga benepisyo para sa PCG, ipatupad!ย โ๐ฝ
ML Partylist retweeted
COA AFFIRMS MOVE VS OVP'S P73-M CONFIDENTIAL FUNDS
READ: The Commission on Audit "affirms with finality" the notice of disallowance it issued on the confidential funds of the Office of the Vice President. | @JEMendozaINQ
Story soon on inquirer.net.
ML Partylist retweeted
๐ ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ ๐ฏ๐ฐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐น๐ถ๐๐ถ๐ ๐ธ๐ฎ๐ ๐ฉ๐ฃ ๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ
๐ Nagpatuloy ngayong araw ang pagtestigo ni Anti-Money Laundering Council Executive Director Atty. Ronel Buenaventura kaugnay sa AMLC reports sa mga bank accounts nina VP Sara Duterte at ng kanyang asawa na si Atty. Manases Carpio.
๐ Nang tanungin ni Presiding Officer Chiz Escudero kung ano ang posibleng dahilan ng malaking discrepancy sa naiulat na halagang naglabas-masok sa bank accounts at sa deklaradong yaman nina VP Sara at ng kanyang asawa, walang naibigay na dahilan o hindi ito naipaliwanag ni Atty. Buenaventura.
๐ Lumitaw sa interjection ni Senator-judge Risa Hontiveros na ilan sa mga kompanyang nag-remit ng pera sa Cale88 Foods Corporation โ kumpanyang konektado kay VP Sara bilang isa sa mga business interest ng asawang si Atty. Carpio โ ay mga state-owned enterprises ng China.
๐ Natalakay din sa pagtatanong ni Senate President at Senator-judge Win Gatchalian na kung P125,000 lang ang paid-up capital ng Cale88 Food Corporation, pero umabot sa P776.6 million ang na-record na inflow nito, posible ba itong maging "candidate for money laundering"? Ang sagot ni Atty. Buenaventura, pwede raw itong maging candidate sa money laundering, basta ma-consider din ang iba pang factors.
๐ Sinimulan na rin ang pagsasalang ng mga kinatawan ng mga bangko kung saan may account si VP Sara at kanyang asawa. Nauna nang isalang sina Eunice Sumatra, branch manager ng Land Bank of the Philippines San Pedro, Davao branch at Raquel dela Cerna, branch manager ng Landbank Davao R. Magsaysay branch.
๐ธSenate PRIB and Wendell Alinea | Senate Social Media Unit
ML Partylist retweeted
ANIMAL CRUELTY HAS NO PLACE IN SCHOOLS! ๐พโ
We must not tolerate acts of senseless and brutal violence against animals, especially in schools and campuses, which should be safe spaces and zones of peace.
Tahasan nating kinokondena ang naiulat na pagmamalupit sa isang aso ng mismong dekano sa loob ng campus sa Angeles City, Pampanga, na nasaksihan ng mga estudyante. Dapat mapanagot ang mga sangkot sa karahasang ito.
Ang karumal-dumal na pangyayaring ito ay isa lamang sa marami pang kaso ng pagmamalupit sa mga hayop. Paano yung mga hindi nag-viral, hindi nareport, narecord, o nakita sa CCTV?
Panahon na para palakasin ang ating animal walfare laws. Isabatas na ang panukala nating Animal Welfare Enforcement Act (House Bill 7696) at Revised Animal Welfare Act (HB 7238) para sa higit na proteksyon at makataong pagtrato sa mga hayop.
Stop animal cruelty! ๐
โโ๏ธ
๐ธ Animal Kingdom Foundation | Noah's Ark Dog and Cat Shelter
RT @manayleila: ๐๐ฎ๐ ๐ฏ๐ฏ ๐๐ถ๐ด๐ต๐น๐ถ๐ด๐ต๐๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐น๐ถ๐๐ถ๐ ๐ธ๐ฎ๐ ๐ฉ๐ฃ ๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ โ๏ธ
๐ Isinalang ngayong araw ng Prosecution si Atty. Ronel Buenaventuraโฆ
ML Partylist retweeted
A corporation linked to VP Sara Duterte that received a huge amount of money from China, as confirmed by the AMLC, should be further investigated by relevant agencies, as this concerns national security. Nakakabahala ito.
Cale88 Foods Corporation, one of the 15 corporations linked to Vice President Sara Duterte, has received more than P319 million from China and Hong Kong, based on suspicious transaction (STR) and covered transaction reports (CTR) presented by the AMLC.
Visit abscbn.news/VPOnTrialDay33 for the latest updates on #VPOnTrial.








































