NET25 (@NET25TV) header
NET25 (@NET25TV) profile picture

NET25 is the television station of Eagle Broadcasting Corporation

Quezon City, Philippines
Joined April 2012
Photo by NET25 (@NET25TV)Photo by NET25 (@NET25TV)Photo by NET25 (@NET25TV)Photo by NET25 (@NET25TV)Photo by NET25 (@NET25TV)Photo by NET25 (@NET25TV)Photo by NET25 (@NET25TV)Photo by NET25 (@NET25TV)Photo by NET25 (@NET25TV)Photo by NET25 (@NET25TV)
Pinned Tweet
Binago ng Impeachment Court ang voting threshold sa paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte matapos katigan ng mayorya ng mga senator-judges ang bagong interpretasyon sa bilang ng mga botong kailangan para sa conviction. Habang iginiit ng kampo ng Bise Presidente na dapat manatili sa 16 ang kinakailangang boto batay sa kanilang pagbasa sa Konstitusyon, naninindigan naman ang korte na ang bagong ruling ay naaangkop lamang sa kasalukuyang kaso. Paglilinaw sa batas o pagbabagong maaaring makaapekto sa magiging hatol? 📺 Panoorin ang buong detalye sa DATOS — dito lang sa NET25 Online. #NET25NewsAndInformation #DATOS #WengDelaFuente #SaraDuterte #ImpeachmentTrial #SenatePH #ConstitutionPH #RuleOfLaw #PhilippinePolitics
4
984
Posibleng maisakatuparan na ang plano ng Pilipinas na magkaroon ng nuclear energy matapos maglabas ng positibong resulta ang feasibility study ng South Korea. Tinalakay ang good news na yan sa #ASPN kasama si Atty. Jay Layug, presidente ng Developers of Renewable Energy for Advancement.   | Ano Sa Palagay N’yo? youtu.be/9JvkqYO8ITU
83
Robotic surgery at laparoscopy, ginagamit sa ilang procedure para sa mga sakit sa prostate. Pero ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawang pamamaraang ito? Alamin ang sagot sa #ASPN kasama si Dr. Jason Letran ng Chinese General Hospital and Medical Center. | Ano Sa Palagay N’yo? youtu.be/Qa68NIq1rck
1
128
PAGMAMAHAL NG MAGULANG, WALANG KAPANTAY! 💙 Para matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak, dumidiskarte si Julieann Dela Cruz kasama ang kanyang asawa para magkaroon ng dagdag na income. Kahit anong puwedeng ibenta, pinapasok nila. Isang kuwento ng pagmamahal, pagtutulungan, at pagsisikap ng magulang para sa pamilya at lalong Lalo na para sa mga anak. 🥹💞 youtu.be/yvVg2A4Ldiw
2
221
SIMPLE INGREDIENTS, BUT THE STEAK IS GIVING FANCY! 🍖🔥 Want to give your usual meals a luxury twist? Try this! 👀 Ipinakita ni Lorna Calvadores, kung paano gawing mas exciting ang Dodram Luncheon Meat with her very own Luncheon Meat Steak recipe! Perfect pang-level up ng meal mo nang hindi kailangang gawing complicated ang pagluluto at nasa murang halaga. 🤤 youtu.be/WEQX6JWxjgI
95
METROPOP LEGENDS, BACK IN ACTION! 🎵 #MainFeed! Bukod sa performance na hatid nila, kinumusta rin natin sila! 🤩 Kumusta na nga ba sina Faith Cuneta, Miles Poblete, Camille Velasco, at Anna Katrina Lara? ✨ youtu.be/d5SrZJLmqy4
1
200
Pinayuhan ng BAN Toxics ang mga magulang at mamimili na iwasang bumili ng unauthorized squishy toys na "Squishy Delicious" dahil hindi pa ito dumaan sa mandatory FDA notification process. Maaaring may mga delikadong kemikal na matatagpuan sa mga laruan na posibleng makasama sa kalusugan at development ng mga bata. May mga nauna ring product recall sa United Kingdom at United States matapos matukoy ang mataas na konsentrasyon ng benzene sa kahalintulad na squishy dumpling toys. Hinimok ng BAN Toxics ang mga kinauukulang ahensya na tiyaking hindi kakalat sa merkado ang mga produktong maaaring magdulot ng panganib sa mga bata. #NET25NewsandInformation #ConsumerSafety #SquishyToys #BANToxics
92
BASAHIN: Tinawag ni Atty. Salvador Paolo Panelo Jr., tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte, na premature at distracting sa mga isyu ng impeachment ang mga usapan tungkol sa posibleng papalit sa bise presidente. 📷: Atty. Salvador Panelo Jr. #NET25NewsandInformation #Senate #premature #IndaySaraDuterte #distraction #VPSara #replacement
112
Bubuksan muli ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpaparehistro ng mga botante sa Nobyembre 10 bilang paghahanda sa 2028 national at local elections. Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, tatagal ang pagpaparehistro hanggang Hulyo 30, 2027. Hinihikayat ng Comelec ang mga hindi pa rehistradong botante na magparehistro, habang pinapayuhan naman ang mga rehistrado na i-update ang kanilang impormasyon, gaya ng civil status at tirahan, bilang paghahanda sa halalan. 📷: Comelec #NET25NewsandInformation #Comelec #pollbody #voterregistration #2028NLE #nationallocalelections
72
NEWS UPDATE: Mula sa ₱64 kahapon, Oktubre 28, lumakas ang halaga ng piso kontra dolyar na nasa ₱63.88 ngayong Huwebes, Oktubre 29, ayon sa Bank Association of the Philippines (BAP). #NET25NewsandInformation #Dollar #Peso #MoneyExchange
65
AERIAL SURVEILLANCE, IKINASA BAGO ANG INAUGURAL SESSION NG BANGSAMORO PARLIAMENT TINGNAN: Nagsagawa ng aerial surveillance ang 6th Infantry Division at Philippine Air Force sa Cotabato City bilang paghahanda sa inaugural session ng Bangsamoro Parliament sa Biyernes, Oktubre 30. Layunin ng operasyon na matiyak ang seguridad sa lungsod at mga karatig-lugar bago ang inaasahang pagpili ng bagong Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, kasunod ng halalan noong Setyembre 14. | Ely Dumaboc 📸: Jasper Acosta #NET25NewsandInformation #BARMM #CotabatoCity #BangsamoroParliament
77
Iniulat ng People’s Budget Coalition na kabilang sa mga distritong may pinakamalaking dagdag na pondo para sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod na taon ay ang distrito ni Batangas 2nd District Representative Gerville Luistro. Ayon sa grupo, umaabot umano sa ₱1.3 bilyon ang budget insertion sa distrito ng mambabatas. Depensa naman ni Luistro, hindi siya lumahok sa pagbuo ng budget dahil abala raw siya sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. 📷: Senate #NET25NewsandInformation #PeoplesBudgetCoalition #funds #DPWH #floodcontrolprojects #Batangas #budgetinsertions
66
RIOT SA MADRID PANOORIN: Gumamit ng tear gas ang riot police sa Madrid, Spain upang mapigilan ang humigit-kumulang 500 raliyista sa labas ng Ministry of Transport. Nanawagan ang mga demonstrador na magbitiw sa puwesto sina Transport Minister Óscar Puente at Prime Minister Pedro Sánchez. Naganap ang protesta matapos ang banggaan ng dalawang high-speed train malapit sa Urda, Toledo, kahapon, Oktubre 28. Ayon sa mga ulat ng awtoridad, hindi bababa sa 68 katao ang nasawi at mahigit 100 ang sugatan sa insidente. Ikinagalit ng mga nagprotesta ang umano’y pagkukulang sa seguridad ng sistema ng tren at ang pananagutan ng pamahalaan sa trahedya. Gumamit ng tear gas ang mga pulis matapos umanong maghagis ng mga bote at flare ang ilang demonstrador. #NET25NewsandInformation #PhilippineEmbassy #Spain #traincrash #traincincident #investigation #repatriation #casualtycount
1
254
ABERYA SA SPAIN PANOORIN: Naantala ang biyahe ng mga tren sa Santa Justa station sa Seville, Spain nitong Miyerkules, Oktubre 28 (local time). Sinuspinde ang mga biyahe ng tren papuntang Madrid kasunod ng banggaang ikinasawi ng 68 katao. 📹: Reuters #NET25NewsandInformation #PhilippineEmbassy #Spain #traincrash #traincincident #investigation #repatriation #casualtycount
120
Umabot na sa 68 ang nasawi matapos magbanggaan ang dalawang tren sa Urda, Spain nitong Miyerkules, Oktubre 28, ayon sa mga awtoridad. May 80 katao rin ang nasugatan, kabilang ang 15 na nasa malubhang kalagayan. Batay sa paunang imbestigasyon, pinayagan umanong bumiyahe ang isang tren kahit naka-ilaw ang red sign na nagsasabing dapat itong huminto dahil may nakahintong tren sa unahan. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang eksaktong dahilan ng aksidente. 📷: Reuters #NET25NewsandInformation #PhilippineEmbassy #Spain #traincrash #traincincident #investigation #repatriation #casualtycount
134
NEWS UPDATE: Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na libre ang pagdaan sa NLEX C5 Northlink Segment 8.2 Section 1A, na nag-uugnay sa Quezon City at Valenzuela City, hanggang sa katapusan ng 2026. #NET25NewsandInformation #NLEX #MotoristAdvisory #TrafficAdvisory #nlexperience #nlextraffic #toll
87
DRUG SUSPEK SA ZAMBOANGA DEL SUR, TIMBOG TINGNAN: Arestado ang isang lalaki sa isinagawang drug buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit sa Pagadian City, Zamboanga del Sur. Nasamsam mula sa suspek ang mahigit tatlong gramo ng hinihinalang shabu at buy-bust money. Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya. | via Eric Bachiller #NET25NewsandInformation #PoliceNews #CrimeNews #Crime #illegalActivities #drugaddiction #investigation
89
Nagtamo ng minor injuries ang isang Pilipino matapos magbanggaan ang dalawang tren malapit sa Urda, Spain, nitong Miyerkules, Oktubre 28. Ayon sa Philippine Embassy in Spain, dinala sa ospital ang Pinoy na hindi pa ibinibigay ang pagkakakilanlan. Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng embahada sa mga awtoridad upang alamin kung may iba pang Pilipinong sangkot sa aksidente. 📷: Reuters #NET25NewsandInformation #PhilippineEmbassy #Spain #traincrash #traincincident #investigation #repatriation #casualtycount
115
Pinuna ng Commission on Audit ang PSA matapos mabigong maipaliwanag ang pagkawala ng mga kagamitang nagkakahalaga ng P12.98 milyon, kabilang ang mga PhilSys registration kit, laptop, scanner, at monitor. #NET25NewsandInformation #SiyentoPorSiyento youtu.be/efwNrntKyoU
118