NAKATIKIM KA NA BA NG DRINKS NA GAWA SA BIGAS? 😱 #GirlCode!
If hindi pa, you should try this Horchata! 😋 Sweet, refreshing, at may distinct na flavor—perfect na pang-explore kung mahilig kang sumubok ng kakaibang inumin! 🍹 Game ka bang subukan? Comment na! 👇
youtu.be/ilpt7tvdmFA
HAIR AND SKIN CARE CHECK! ✅ #MainFeed!
Paano nga ba ang tamang pangangalaga sa ating hair at skin? 🤔 Ipinaliwanag 'yan ng dermatology expert at beauty care na si Dr. Maria Angela Pineda, ang COO of Dermclinic and The Good Derma! 👩⚕️
youtu.be/7w7N8n8v9Dk
Mga ka-RESPONDE, nandito na ba kayo?
Suportahan ang ating sumbungan ng bayan! I-like at i-share ang livestream ng RESPONDE SA PRIMETIME upang mas marami ang matulungan at mamulat sa kanilang mga karapatan.
Ang link ng livestream ay nasa comment section!
#NET25 #RespondesaPrimetime
Posibleng maisakatuparan na ang plano ng Pilipinas na magkaroon ng nuclear energy matapos maglabas ng positibong resulta ang feasibility study ng South Korea. Tinalakay ang good news na yan sa #ASPN kasama si Atty. Jay Layug, presidente ng Developers of Renewable Energy for Advancement.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/9JvkqYO8ITU
Robotic surgery at laparoscopy, ginagamit sa ilang procedure para sa mga sakit sa prostate. Pero ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawang pamamaraang ito?
Alamin ang sagot sa #ASPN kasama si Dr. Jason Letran ng Chinese General Hospital and Medical Center.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/Qa68NIq1rck
PAGMAMAHAL NG MAGULANG, WALANG KAPANTAY! 💙
Para matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak, dumidiskarte si Julieann Dela Cruz kasama ang kanyang asawa para magkaroon ng dagdag na income. Kahit anong puwedeng ibenta, pinapasok nila.
Isang kuwento ng pagmamahal, pagtutulungan, at pagsisikap ng magulang para sa pamilya at lalong Lalo na para sa mga anak. 🥹💞
youtu.be/yvVg2A4Ldiw
SIMPLE INGREDIENTS, BUT THE STEAK IS GIVING FANCY! 🍖🔥
Want to give your usual meals a luxury twist? Try this! 👀
Ipinakita ni Lorna Calvadores, kung paano gawing mas exciting ang Dodram Luncheon Meat with her very own Luncheon Meat Steak recipe! Perfect pang-level up ng meal mo nang hindi kailangang gawing complicated ang pagluluto at nasa murang halaga. 🤤
youtu.be/WEQX6JWxjgI
Maaaring magsuspinde ng klase ang mga paaralan kapag umabot sa 42°C ang heat index. #Net25NewsAndInformation #MataNgAgilaSaTanghali #HeatIndex #ClassSuspension
youtu.be/8hqpg_U-1Uo
Inaasahan sa Nobyembre ang pagtaas ng fuel surcharge para sa mga domestic at international flight sa Pilipinas.
#Net25NewsAndInformation #MataNgAgilaSaTanghali #FuelSurcharge #AirTravel
youtu.be/AqILY3fN91w
METROPOP LEGENDS, BACK IN ACTION! 🎵 #MainFeed! Bukod sa performance na hatid nila, kinumusta rin natin sila! 🤩 Kumusta na nga ba sina Faith Cuneta, Miles Poblete, Camille Velasco, at Anna Katrina Lara? ✨
youtu.be/d5SrZJLmqy4
Pinayuhan ng BAN Toxics ang mga magulang at mamimili na iwasang bumili ng unauthorized squishy toys na "Squishy Delicious" dahil hindi pa ito dumaan sa mandatory FDA notification process.
Maaaring may mga delikadong kemikal na matatagpuan sa mga laruan na posibleng makasama sa kalusugan at development ng mga bata. May mga nauna ring product recall sa United Kingdom at United States matapos matukoy ang mataas na konsentrasyon ng benzene sa kahalintulad na squishy dumpling toys.
Hinimok ng BAN Toxics ang mga kinauukulang ahensya na tiyaking hindi kakalat sa merkado ang mga produktong maaaring magdulot ng panganib sa mga bata.
#NET25NewsandInformation #ConsumerSafety
#SquishyToys #BANToxics
BASAHIN: Tinawag ni Atty. Salvador Paolo Panelo Jr., tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte, na premature at distracting sa mga isyu ng impeachment ang mga usapan tungkol sa posibleng papalit sa bise presidente.
📷: Atty. Salvador Panelo Jr.
#NET25NewsandInformation #Senate #premature #IndaySaraDuterte #distraction #VPSara #replacement
Bubuksan muli ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpaparehistro ng mga botante sa Nobyembre 10 bilang paghahanda sa 2028 national at local elections.
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, tatagal ang pagpaparehistro hanggang Hulyo 30, 2027.
Hinihikayat ng Comelec ang mga hindi pa rehistradong botante na magparehistro, habang pinapayuhan naman ang mga rehistrado na i-update ang kanilang impormasyon, gaya ng civil status at tirahan, bilang paghahanda sa halalan.
📷: Comelec
#NET25NewsandInformation #Comelec #pollbody #voterregistration #2028NLE #nationallocalelections
NEWS UPDATE: Mula sa ₱64 kahapon, Oktubre 28, lumakas ang halaga ng piso kontra dolyar na nasa ₱63.88 ngayong Huwebes, Oktubre 29, ayon sa Bank Association of the Philippines (BAP).
#NET25NewsandInformation #Dollar #Peso #MoneyExchange
AERIAL SURVEILLANCE, IKINASA BAGO ANG INAUGURAL SESSION NG BANGSAMORO PARLIAMENT
TINGNAN: Nagsagawa ng aerial surveillance ang 6th Infantry Division at Philippine Air Force sa Cotabato City bilang paghahanda sa inaugural session ng Bangsamoro Parliament sa Biyernes, Oktubre 30.
Layunin ng operasyon na matiyak ang seguridad sa lungsod at mga karatig-lugar bago ang inaasahang pagpili ng bagong Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, kasunod ng halalan noong Setyembre 14. | Ely Dumaboc
📸: Jasper Acosta
#NET25NewsandInformation #BARMM
#CotabatoCity #BangsamoroParliament
Iniulat ng People’s Budget Coalition na kabilang sa mga distritong may pinakamalaking dagdag na pondo para sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod na taon ay ang distrito ni Batangas 2nd District Representative Gerville Luistro.
Ayon sa grupo, umaabot umano sa ₱1.3 bilyon ang budget insertion sa distrito ng mambabatas.
Depensa naman ni Luistro, hindi siya lumahok sa pagbuo ng budget dahil abala raw siya sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
📷: Senate
#NET25NewsandInformation #PeoplesBudgetCoalition #funds #DPWH #floodcontrolprojects #Batangas #budgetinsertions
RIOT SA MADRID
PANOORIN: Gumamit ng tear gas ang riot police sa Madrid, Spain upang mapigilan ang humigit-kumulang 500 raliyista sa labas ng Ministry of Transport. Nanawagan ang mga demonstrador na magbitiw sa puwesto sina Transport Minister Óscar Puente at Prime Minister Pedro Sánchez.
Naganap ang protesta matapos ang banggaan ng dalawang high-speed train malapit sa Urda, Toledo, kahapon, Oktubre 28. Ayon sa mga ulat ng awtoridad, hindi bababa sa 68 katao ang nasawi at mahigit 100 ang sugatan sa insidente.
Ikinagalit ng mga nagprotesta ang umano’y pagkukulang sa seguridad ng sistema ng tren at ang pananagutan ng pamahalaan sa trahedya. Gumamit ng tear gas ang mga pulis matapos umanong maghagis ng mga bote at flare ang ilang demonstrador.
#NET25NewsandInformation #PhilippineEmbassy #Spain #traincrash #traincincident #investigation #repatriation #casualtycount
ABERYA SA SPAIN
PANOORIN: Naantala ang biyahe ng mga tren sa Santa Justa station sa Seville, Spain nitong Miyerkules, Oktubre 28 (local time).
Sinuspinde ang mga biyahe ng tren papuntang Madrid kasunod ng banggaang ikinasawi ng 68 katao.
📹: Reuters
#NET25NewsandInformation #PhilippineEmbassy #Spain #traincrash #traincincident #investigation #repatriation #casualtycount
Umabot na sa 68 ang nasawi matapos magbanggaan ang dalawang tren sa Urda, Spain nitong Miyerkules, Oktubre 28, ayon sa mga awtoridad. May 80 katao rin ang nasugatan, kabilang ang 15 na nasa malubhang kalagayan.
Batay sa paunang imbestigasyon, pinayagan umanong bumiyahe ang isang tren kahit naka-ilaw ang red sign na nagsasabing dapat itong huminto dahil may nakahintong tren sa unahan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang eksaktong dahilan ng aksidente.
📷: Reuters
#NET25NewsandInformation #PhilippineEmbassy #Spain #traincrash #traincincident #investigation #repatriation #casualtycount
NEWS UPDATE: Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na libre ang pagdaan sa NLEX C5 Northlink Segment 8.2 Section 1A, na nag-uugnay sa Quezon City at Valenzuela City, hanggang sa katapusan ng 2026.
#NET25NewsandInformation
#NLEX #MotoristAdvisory #TrafficAdvisory #nlexperience #nlextraffic #toll












